𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔

Daang libong qualified rice farmers sa Region 1 na rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture ang makatatanggap ng suporta mula sa Department of Agriculture.

Kabuuang 355,742 na rice farmers ang suportado ng DA Region 1 ngayong 2024 kung saan bilyong pisong halaga ng pondo ang nakalaan para sa rice program sa rehiyon.

Malaking porsyento ng pondong ito ay nakalaan sa production support services.

Kasama rin dito ang pondo para sa mga hybrid seed na natatamnan ang daang libong palayan, inorganic fertilizer gamit ang voucher sa mga sakahan sa Ilocos region, soil ameliorant at bio fertilizer sa mga sakahan sa rehiyon, at drone service voucher para naman sa higit labing isang libong sakahan sa rehiyon.

Samantala, may pondo rin nakalaan ang tanggapan para sa Disaster Risk Reduction and Management. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments