𝗗𝗔𝗔𝗡-𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗟𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘

Nagulat ang mga mangingisda sa Currimao, Ilocos Norte matapos na makalambat ng daan-daang kilo ng maliliit na isda sa muli nilang paglaot matapos ang bagyong Gener.

Nakalambat ng abot sa anim na raang (600) kilo ng isdang dilis o tinatawag na isdang monamon ang mga mangingisda sa naturang lugar kung saan umaabot sa dalawang daang (200) piso ang kada kilo nito.

Agad na naibenta ang nalambat na dilis ng mga mangingisda. Malaking biyaya umano ang pagkakalambat nila ng ganitong karaming isdang dilis para sa mangingisda dahil ito muli ang unang beses na sila’y pumalaot matapos ang bagyong Gener.

Kamakailan naman, sa parehong bahagi rin ng dagat ay may nahuli rin malaking isda na halos kasing haba ng bangka at napag-alamang isang blue marlin na may bigat na tatlumpong kilo (30kg). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments