Nasabat sa lungsod ng Dagupan ang nasa walong daang kilo (800 kgs) na tangok na bangus na nagmula umano sa ibang bayan.
Ito ay matapos maabutan ng mga fish wardens ng City Agriculture Office ang mga pahinante ng isang truck na may planong i-dispose na ang mga nasabing isda sa mga fish markets sa lungsod.
Agad itong inaksyunan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamamagitan ng pag-inspeksyon at kalauna’y idineklara bilang unfit for human consumption o hindi maaaring kainin dahil sa posible nitong maidulot na banta sa kalusugan.
Ayon sa opisyal na pahayag mula sa FB page ni Mayor Fernandez, kakasuhan umano ang mga nahuli base sa PD 856, City Ord. 1917-2009, at City Ord. 1768-2003.
Samantala, mas pinag-iigting pa ngayon ng LGU Dagupan ang pagprotekta at pagpapalakas ng Bangus Industry ng Dagupan City bilang kilala ang syudad sa pagkakaroon ng World’s Tastiest Bangus at tinaguriang Bangus Capital of the World. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨