𝗗𝗔𝗔𝗡-𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗧𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥; 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟴.𝟲-𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗥𝗜𝗡

Matagumpay na naipamahagi ng Department of Agrarian Reform  (DAR) ang daan-daang mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa kabuuang datos nasa 645 na mga titulo ng lupa ang nai-turn-over sa mga kabilang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBS) ng ahensya kung saan galing ang mga ito sa mga bayan ng Tayug, Sto. Tomas, Balungao, Rosales, Umingan at Lingayen.

Bukod sa mga titulong ito, nai-turn-over din sa mga magsasaka ang kabuuang ₱8,671,970 pisong halaga na mga kagamitang pangsaka at agri-inputs.

Ayon sa Kalihim ng DAR na si Secretary Conrado Estrella III na mas maraming bubuhos na support services para sa mga magsasaka upang mas maraming mga bigas ang kanilang maitanim na siyang kailangan ng bansa.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga napamahagian ng mga tulong na ito na tiyak ding makakatulong sa kanilang panghanap-buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments