𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢

Mararanasan simula ngayon, June 4, 2024 ng mga motorista at mga PUV drivers at operators ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng mga oil companies, inaasahan ang tapyas ng 90 cents sa kada litro ng Gasoline habang may pagtaas naman na 60 cents at 80 sa kada litro ng Diesel at Kerosene.

Matatandaan na nauna nang nagkaroon ng oil price hike sa huling linggo ng Mayo kung saan may taas na 40 cents per liter ang parehong Gasoline at Diesel habang may dagdag din sa Kerosene ng nasa 30 sentimos.

Hindi na ito ikinabigla ng mga PUV drivers sa Pangasinan dahilan na patuloy na umanong nararanasan ang nasabing siste sa usaping langis.

Samantala, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), magpapatuloy ang production cut ng OPEC+. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments