𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱

Ibinahagi ni Mayor Belen Fernandez ang hangarin nitong taas sahod sa 2025 ng mga manggagawa sa lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Ilan sa mga target na mabenipisyuhan nito ay mga Barangay Service Point Officers, Job Order at City Gov’t employees hanggang sa mga Municipal Trial court at Regional Trial Court Judges na magkakaiba ang itinakdang umento sa sahod.

Inihayag ito alkalde ang hangarin na maaprubahan ito ng Pangulo sa kabila ng paghadlang ng ilang opisyal sa lungsod.

Sa kabila nito, naniniwala ang alkalde na ibibigay din sa huli ang naangkop na budget para sa dito maging sa mga nakaambang proyekto na ilulunsad sa Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments