𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗣

Inaasahan ng Dagupan Electric Corporation na bababa na ang kamakailang ipinatupad na dagdag singil sa kuryente noong buwan ng Mayo dahil sa pagsapit ng tag-ulan kung kailan madalas mababa ang demand.

Ito ay matapos ibahagi ni DECORP Legal Counsel Atty. Randy Castilan, na ipatutupad sa billing noong Mayo ang 52 centavos o kabuuang higit P6 sa generation charge na dagdag singil per kilowatt hour. Sa kabuuan nasa P10.59 per kwh ang makikita na dagdag singil ng mga konsyumer.

Pagbabahagi pa ni Castilan, ang naturang dagdag singil ay dulot ng mataas na demand ngunit manipis na suplay na sumasalamin din sa madalas na pagdedeklara ng grid status alert. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments