Kasado na ang taas singil sa bayarin ng kuryente ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ngayong buwan ng Agosto ngayong taon.
Mula sa P6.3553/kwh na generation rate s noong buwan ng Hulyo, inaasahan naman ang nasa P6.4174 ngayong buwa ng Agosto.
Dahil dito ang average selling rate na ng tanggapan sa residential customers na kumokonsumo ng 100 kwh kada buwan ay 11.552 kwh.
Bunsod ang umento sa pagtaas sa presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) maging ang hinati sa tatlong buwang bayarin sa energy purchase mula Mayo 2024.
Patuloy na paalala ng electricity source ang pagtitipid sa paggamit sa kuryente lalo na sa mga kagamitang mataas ang konsumo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments