𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Inaasahan na ng lokal na pamahalaan ang dagsa ng mga bisita at deboto kasabay ng Pag uumpisa ng simbang Gabi at misa de Gallo.
Sa naging panayam ng IFM dagupan Kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, nakapag-usap na aniya sila at ng pnp kaugnay dito at inaasahang libo-libo ang pupunta sa pamosong Minor Basilica of the Holy Rosary ng bayan.
Ayon sa alkalde, pinatitiyak ang presensiya ng PNP sa mga pangunahing lugar upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mga bisita.

Maging mga traffic enforcer ng bayan ay nag-adjust ng schedule hanggang gabi upang matutukan ang Pagmando ng trapiko sa bayan ngayong Simbang Gabi at misa de Gallo.
Sa ngayon ay nasa humigit kumulang 60k hanggang 80k ang bisita ng bayan kada linggo na inaasahang mas madadagdagan pa sa pag-uumpisa ng simbang gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments