𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗨𝗪𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗔𝗡

Nararamdaman na, limang araw bago ang Kapaskuhan at labing-isang araw naman bago ang Bagong Taon ang dagsa ng mga taong uuwi mula at palabas sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa ilang mga babiyahe, lalo na ang mga Pangasinenseng walang mga pinagkakaabalahan ay maigi raw ang maagang pagbIyahe para sa darating na mga selebrasyon dahil tiyak daw na dadagsa ang mga taong uuwi sa mga susunod na araw.

Inaasahan naman ng mga bus companies na muling dadami ang dagsa ng tao sa mga bus terminals sa huling araw o last hour ng December 24.

Samantala, long weekends naman ang nakaamba para sa lahat na magmumula sa December 23 hanggang 25 at para sa Kapaskuhan sa December 30 hanggang January 2, 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments