𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗛𝗢, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Puspusan ang paghahanda at kampanya ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Dagupan City Health Office laban sa sakit na pertussis kasunod na pagkakatala ng unang kaso ng naturang sakit sa lalawigan.

Nito lamang Abril, nauna nang pinulong ng alkalde ang mga doktor upang talakayin ang mga kaalamang nakapaloob ukol sa nasabing sakit.

Saklaw ng isinasagawang aksyon kaugnay nito ay ang paghahanap sa mga sanggol at batang hindi pa nabakunahan ng nararapat na mga bakuna.

Matatandaan na nauna nang naitala ang kaso ng Pertussis sa mga bayan ng San Nicolas, Sto. Tomas at Urdaneta City, sa Pangasinan.

Samantala, nakaantabay din ang Pangasinan Provincial Health Office sa posibleng surge ng naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments