𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗨𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 ‘𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦’ 𝗢 𝗧𝗢𝗣 𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗚𝗟𝗢𝗕𝗔𝗟 𝗨𝗥𝗕𝗔𝗡 𝗘𝗖𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗘𝗦

Napabilang ang Dagupan City sa isa sa siyam na siyudad sa bansa na kasama sa listahan ng ‘Best cities’ o top 1,000 global urban economies ng Oxford Economics Global Cities Index 2024.

Sa isang libong siyudad na itinuturing ng Oxford Economics Global Cities Index na ‘best cities’, nasa pang-55th ang syudad ng Dagupan sa buong Southeast Asia at nasa pang604th naman ito sa buong mundo.

Itinuturing na isa ang syudad ng Dagupan sa best cities dahil umano sa pagkakaroon nito ng malakas na environmental aspects.

Dito naman sa bansa, nasa pang-pitong pwesto ang naturang syudad kung saan nangunguna naman ang siyudad ng Maynila kung saan nasa pang-256th ang ranggo sa buong mundo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments