𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗙𝗘𝗠𝗔𝗟𝗘 𝗗𝗢𝗥𝗠𝗜𝗧𝗢𝗥𝗬, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚-𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬

Idineklara na bilang Drug-cleared Facility ng Oversight Committee for Drug Clearing of Controlled Facilities for Persons Deprived of Liberty ang Dagupan City Jail Female Dormitory.

Binubuo ng PDEA, DILG, PNP, DOH, DOJ at IBP ang naturang komite na siyang nagtatakda ng mga requirements sa bawat pasilidad upang maging drug-free.

Dumaan sa masusing deliberasyon at validation ang dormitoryo upang masunod ang mga itinakdang panuntunan.

Bago maideklarang drug cleared sumailalim sa drug testing ang mga PDL dito upang masiguro ang paggawad ng drug free facility. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments