Naglabas na ng Executive Order (EO) ang mga lokal na pamahalaan ng bayan ng Mangaldan at Calasiao kaugnay sa suspension ng face to face classes ngayong martes, April 2.
Ito ay matapos nakapagtala ng pinakamataas na heat index ang Dagupan City sa buong Pilipinas kahapon base sa inilabas na datos ng PAGASA.
Sa tala, 45°C ang naitalang heat index sa Dagupan City na siyang pinakamataas sa buong bansang Pilipinas.
Base sa klasipikasyon ng PAGASA, ang ganitong kataas na heat index ay matuturing na delikado.
Dahil dito ay patuloy ang paalala ng mga health authorities na iwasan na ma expose sa sikat ng araw upang maiwasan ang heat exhaustion na pwedeng humantong sa heat stroke.
Inaalam pa ngayon ng IFM News Dagupan kung may mga LGU ba na nadagdag na nagsuspinde ng kani-kanilang mga face to face classes sa buong lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨