Nakapagtala na ng dalawang kaso ng Leptospirosis ang lungsod ng Dagupan. Dahil dito Doble-ingat ngayon ang ilang residente sa banta ng sakit lalo na at panay ang pag-uulan sa hapon at gabi.
Ang ilang nagtitinda ng isda at kargador sa palengke, umiiwas muna na mababad sa tubig o kahit sa maputik lamang na bahagi ang kanilang mga paa lalo na kung ito ay mayroong sugat.
Hindi rin umano maiwasan ng mga mamimili na mag-aalala lalo na at panay ang pag gala ng mga pesteng daga sa mga lugar na basa at may maraming pasikot-sikot.
Ang ilang residente pinaiiwas ang mga bata sa ulan dahil maaaring magtampisaw ang mga ito sa tubig baha.
Ang leptospirosis ay isang nakamamatay na sakit sanhi ng leptospira bacteria na maaaring makuha sa pagkakaroon ng contact sa tubig baha, partikular ng mga taong may sugat, o pagkain at pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi at dumi ng mga infected na hayop tulad ng daga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨