𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗦𝗧 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟰

Eksakto alas-sais ng gabi kahapon ay inilawan ang malaking pink ribbon sa rotonda ng New De Venecia Diversion road bilang pakikiisa ng lungsod sa breast cancer awareness month ngayong taon.

Pinangunahan ng Philippine College of Surgeons, Inner Wheel Club of the Philippines ang nationwide pink lighting activity kasama ang mga ospital, eskwelahan, at mga government agencies sa iba’t ibang panig ng bansa.

Layunin ng nasabing aktibidad na pataasin ang kamalayan sa sakit na breast cancer, para sa early detection nito, at pagbibigay ng suporta sa mga apektado ng sakit.

Samantala, binigyang diin ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na tinututukan nito ang ilang mga pangangailangang medikal ng mga Dagupeño na apektado ng nasabing sakit.

Sa datos ng World Health Organization, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa buong asya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments