𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧

Pinag-iingat ngayon ang hanay ng POSO Mangaldan sa kanilang mga duty dahil sa matinding init ng panahon.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay Mangaldan POSO Chief Gerard Ydia pinagbabaon o kung minsan ay binabaunan pa ng tubig ang kanilang mga enforcer na mga naka duty.

Ayon sa opisyal naiintindihan aniya nila kung kinakailangan mang sumilong ng mga enforcer sa bayan lalo na kung masyadong mainit ang panahon

Nag adjust na din Aniya sila sa kanilang schedule ng duty upang maibsan ang matinding init ng panahon ngayon.

Madalas din aniya ang pagsasagawa ng BP monitoring sa mga enforcer upang matiyak na physically fit ang mga ito habang nasa duty. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments