𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬

Ang matinding depresyon ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng isang trentay sais anyos na construction worker sa bayan ng San Fabian.

Ang biktima ay nakita mismo ng kanyang limang taong gulang na anak na nakabigti pasado alas onse ng gabi sa kanilang bahay dahilan upang mag sisigaw ang anak nito.

Agad naman kinalagan ng mga kaanak ang biktima at isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga kaanak,madalas umanong nag iinom ang biktima matapos silang maghiwalay ng kinakasama nito na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments