𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗢𝗩𝗘𝗥𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗙𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Wala nang magawa ang may-ari ng isang bahay sa Barangay Poblacion Sur sa bayan ng Sta. Barbara matapos lamunin ng apoy ang kanyang tanahan. Wala ring nagawa ang mga residenteng malapit sa lugar kahit na sila ay nagtulong-tulong upang apulahin ang apoy.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM Dagupan sa BFP Sta. Barbara, base sa kanilang imbetigasyon dahil sa naiwang nakasindeng electric fan na nag-overheat ang pinagmulan ng sunog kung saan dahil sa kapal ng apoy ay tuluyan nang na-abo ang bahay.

Dagdag pa ng BFP na dahil kalahating konkreto at kalahating light materials ang gamit sa bahay kaya’t mabilis itong kumalat.

Sa datos ng BFP, tinatayang nasa 140, 000 danyos ang naitala sa insidente na pagmamay-ari ni Salvador Castillo.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog maliban lang sa tatlong asong nasa loob ng tahanan ang hindi nakaligtas.

Paalala naman ng awtoridad sa publiko na upang hindi magaya sa nangyaring insidente ay laging i-check ang appliances bago umalis ng bahay o kaya naman ay kung hindi ito ginagamit alisin ito sa pagkakasaksak upang hindi mag-overheat at iwas sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments