Apektado ang klase ng mga estudyante sa Child Development Center ng Brgy. Poblacion Oeste sa Dagupan City dahil sa pagbahang nararanasan sa lungsod.
Ayon kay Salud Lopez, guro ng Child Development Center ng barangay, nagpatupad ng scheduling ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Sa tatlumpung mag-aaral na ito, binigyang ng schedule ang mga magulang kung kailan nagtutungo sa center upang maturuan ng nasa apatnapu’t limang (45) minuto sa bawat estudyante upang maturuan.
Paraan rin umano ito upang lalo pang matutukan ang bawat estudyante sa Child Development Centers.
Aniya magtatagal hanggang Oktobre ang naturang implementasyon at depende pa sa kahihinatnan ng lagay ng panahon sa mga susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments