𝗗𝗔𝗜𝗥𝗬 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖 , 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝟭.𝟴 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Kumita ng 1.8 milyon pesos ang Dairy Farm ng Pangasinan sa Laoac sa unang kalahating taon ng 2024.

Ayon kay Provincial Agriculture Office (PAGO) Head Dalisay Moya, nasa 80 to 85 litro ng sariwang gatas ang naproproduce mula sa mga dairy livestock kada araw.

Ayon din sa report, kalahating porsyento ng mga nakukuhang gatas ay pinapainom sa mga bagong silang na baka habang ang kalahating porsyento naman ng sariwa o pasteurized milk ay ibinibenta.

Sa ngayon, napapakinabangan ang naturang proyekto ng mga lokal na konsumer mula sa mga kalapit na munsipalidad maging lokal na kainan at mga milk processor sa Talavera, Nueva Ecija.

Bukod dito, inilalako na rin sa mga Kadiwa stores ang mga naproduce na pasteurized milk bilang suporta sa ‘Kadiwa ng Pangulo Project. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments