𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥

Patay ang isang trenta y otso anyos na dalaga matapos itong mahulog sa sinasakyang motorsiklo at magulungan ng kasalubong na van sa bayan ng Labrador.

Ang biktima ay nakilalang si Elaine Costales residente ng Bayan ng Lingayen.

Ayon sa imbestigasyon, angkas sa isang motor ang biktima habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy Bolo pasado alas tres ng Hapon ng makaidlip umano ito na dahilan upang mahulog ito sa motor.

Sa kasamaang palad ay napunta ito sa kabilang kalsada at nagulungan ng kasalubong na van.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments