𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚-𝗦𝗛𝗢𝗣𝗟𝗜𝗙𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗢𝗧𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Cauayan City – Arestado ang isang dalaga matapos itong maaktuhang nagsa-shoplift sa clothing store sa isang mall sa lungsod ng Cauayan, kahapon ika-11 ng Agosto.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, nabisto ang suspek na si alyas “Nicky”, 18 anyos, sa pagtangka nitong pagpuslit sa ilang piraso ng damit matapos tumunog ang Radio Frequency Identification (RFID), nang palabas na ito sa nabanggit na clothing store.

Dahil dito, kaagad na hinarang ng nakabantay na guard ang suspek upang tingnan ang laman ng kanyang bag at dito nga nakita ang isang piraso ng cargo pants at isang piraso ng jogger pants.


Kaagad na hinanapan ang suspek ng resibo para sa mga nakitang damit ngunit bigo itong maapagpresenta kaya naman kaagad itong inanyayahan na sumama sa kanilang opisina.

Base naman sa kuha ng CCTV, bandang alas tres sa parehong araw ay nakitang nag-iikot ang suspek sa loob ng tindahan at nang magkaroon ng tiyansa ay kaagad nitong isinilid ang mga nabanggit na gamit sa kanyang bag at sinubukang umalis ng hindi nagbabayad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments