𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗠𝗣𝗨’𝗧 𝗣𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗩𝗔𝗟𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗 𝟭

Naipasa ng nasa dalawamput – pitong local government sa lalawigan ng Pangasinan ang evaluation sa Zero Open Defecation ng Department of Health – Center for Health Development 1.

Nakamit ng mga naturang LGU ang pagkilala bilang 100% Certified G1 Zero Open Defecation Municipality sa lalawigan matapos sumailalim sa isinagawang evaluation ng Verification and Certification Team ng DOH-CHD 1.

Ang mga nakapasa sa naturang evaluation ay nakitaan ng maayos at malinis na palikuran sa mga mga sinuring barangay.

Isa rin ito sa pagbibigay na napapanatili ng mga bayan ang kalinisan ng kapaligiran nito sa mga barangay pa lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments