𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗙𝗜𝗦𝗛𝗘𝗥𝗬 𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗖𝗡𝗢𝗧𝗔𝗡, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗜𝗧𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Napabilang sa listahan ng identified convergence sites sa bansa sa ilalim ng National Convergence Initiative for Sustainable Rural Development (NCI-SRD) ng Department of Agriculture ang Baroro Watershed at Bussaoit Small Water Impounding Project na matatagpuan sa Bacnotan, La Union.

Bilang isang convergence area, nangangahulugan ito na prayoridad na madevelop ang mga agri-fishery at forestry industry sa pamamagitan ng ilang national agencies tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ibig sabihin prayoridad na mabigyan ng budget ng national agencies ang mga nabanggit na convergence site upang tuloy-tuloy na maalagaan.

Pawang mahalaga sa kaligtasan ng mga residente ang mga naturang convergence sites sa Bacnotan kaya’t inaasahan ng mga ito na mas mapapabuti pa ang industriya ng agrikultura at pangisdaan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments