π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—¬ 𝗑𝗔 π—£π—”π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š-π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—§π—”π—Ÿ π—₯π—œπ—©π—˜π—₯, π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Natagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki na palutang-lutang sa bahagi ng Pantal River sa Dagupan City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa isang daang metro ang layo ng dalawang katawan mula sa isa’t-isa nang tunguhin nila ito.

Wala pang tukoy na pagkakakilanlanlan ang dalawa bagamat sa inisyal na imbestigasyon, ang unang biktima ay nasa tatlumpo hanggang apatnapung taong gulang, nasa 5’4 ang tangkad at kayumanggi ang balat habang ang ikalawang biktima ay tinatayang nasa labingwalo hanggang dalawampung taong gulang, 5’2 ang tangkad.

Sa inisyal na pagsusuri, asphyxia ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa pagkalunod.

Inaalam pa sa ngayon ng kapulisan ang iba pang impormasyon ukol sa insidente at sa posibleng pagkakakilanlan ng dalawa. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments