𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟

Nabali ang buto sa kaliwang binti ng isang construction worker matapos salpukin ng kasalubong na motor sa kahabaan ng San Manuel-Asingan Road sa Brgy. Guiset Sur, San Manuel, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Garcia.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinakop ng kasalubong na motorsiklo ang linya ng biktima kaya nauwi ito sa salpukan.

Sugatan din ang rider na bumangga Kay Garcia.

Napag-alaman na nakainom ang mga ito matapos magpositibo sa alcohol breath test at hindi nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Sumasailalim sa gamutan ang dalawa at nakatakdang mag-usap ukol sa sinapit ng mga napinsalang sasakyan.

Facebook Comments