𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗢𝗥𝗠𝗜𝗦𝗧, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗥𝗘𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Nagtapos kahapon ang dalawang drug reformist sa Balay Silangan Reformation Center sa Manaoag, matapos makumpleto ang tatlumpung araw na pagsasailalim sa reformation program ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang dalawang reformist ay mula sa bayan ng Pozorrubio at San Jacinto. Nakatakda namang sumailalim ang dalawa sa dalawang buwang Family Drug Abused Prevention Program at Livelihood Trainings.

Inaasahan na mas marami pa ang magsisipagtapos sa Balay Silangan dahil sa mga isinasagawang hakbang upang matulungan sa pagbabago ang mga indibidwal na naapektuhan ng droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments