𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝟱𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢

Arestado ang dalawang kalalakihan sa Brgy. Basista,Pangasinan matapos pagnakawan ang pinagtatrabahuang construction supply.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, napansin ng amo ng mga suspek ang pagkaubos ng supplies ng kaniyang negosyo kung kaya’t tinignan nito ang CCTV.

Dito na nakita ng amo ang pagnanakaw ng kaniyang mga empleyado sa steel bars, semento at iba pa..

Tinatayang nasa P50,000 ang kabuuang halaga ng ninakaw ng mga suspek.

Naaresto ng kapulisan ang mga suspek at sinampahan ng kasong Qualified Theft ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments