𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

Nagpapatuloy ang isinasagawang retrieval operation ng awtoridad sa dalawang lalaking pinaghihinalang nalunod sa isang irigasyon sa Brgy. Barraca, Villasis Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naligo umano ang isang 40 anyos na lalaki sa nasabing irigasyon habang nasa ilalim ito umano ng impluwensya ng alak.

Nang nakita itong nalulunod ng isa pang residente sa barangay ay ipinagbigay-alam ito sa kuya at bayaw ng biktima.

Sinubukang iligtas ng bayaw nito mula sa pagkakalunod ang biktima ngunit dahil sa lakas ng agos ng tubig ay tinangay ang mga ito at di umano’y nalunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments