𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥

Idineklarang dead on arrival ang dalawang magsasaka kinilalang sina Ricky at Loreto Guillermo pawang lokal ng Brgy. Bocacliw, Aguilar matapos tumilapon sa sinasakyang motor.

Sa salaysay ng witness sa insidente, biglang nawalan ng kontrol ang motor kaya tumilapon ang mga biktima. Pawang hindi rin nakasuot ng helmet ang mga ito nang maganap ang insidente.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at naisugod pa sa magkaibang malapit na pagamutan ngunit parehong idineklarang dead on arrival.

Sa pagsusuri ng awtoridad, maaaring nasa impluwensiya ng alak ang mga ito dahil sa amoy mula sa kanilang katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments