Huli sa akto ang isang grupo ng mangingisda sa Bonuan Binloc sa paggamit matapos makunan ang pagpapasabog ng mga ito ng dinamita.
Diumano, dalawa ang naaresto ng PNP Maritime Group habang nakatakas naman ang isa pa nitong kasama sa pamamagitan ng paglangoy bago pa dumating ang awtoridad.
Narecover naman ng PNP Maritime Group ang dalawang dinamita na natukoy na nibumbum at two-time fuse. Nahaharap naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag ng RA 10654 Section 92 o possession of explosives for illegal fishing at Section 126 possessing, dealing in or disposing illegally caught or taken fish.
Sa ngayon, batay sa obserbasyon ng PNP Maritime Group, may mga mangingisda pa ring hindi tumitigil sa paggamit ng dinamita sa lalawigan, na siya namang itinuturing na ilegal ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨