𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Timbog sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad ang dalawang most wanted person sa bayan ng Burgos.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Rafael Aquino alyas Ron-Ron mula sa Brgy. Lambes Bolinao, Pangasinan.

Tinukoy na Most Wanted Person ng DILG si Aquino dahil sa multiple counts sa kasong murder noong 2010 gamit ang hindi lisensyadong armas.

Sa tagal ng pagtatago ng suspek, umabot sa P385, 000 ang ipinatong na pabuya ng DILG sa ulo ng suspek.

Samantala, sa isa pang operasyon ng awtoridad ay naaresto ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan na si Mamerto Domondon Jr.

Inihain nitong August 14 ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong Rape at paglabag sa RA 926W o ang Violence against Women and Childre.

Nasa kustodiya na ng Burgos Police Station ang mga suspek.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments