π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗑𝗔π—ͺ𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π——, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—¨π—‘π——π—¨π—žπ—”π—‘ π—‘π—š π—¨π—­π—•π—˜π—žπ—œπ—¦π—§π—”π—‘

CAUAYAN CITY – Natuklasan ng mga archaeologist sa kabundukan ng Uzbekistan ang dalawang nawawalang lungsod na tinatawag na Tugunbulak at Tashbulak, na umunlad mula ika-6 hanggang ika-11 na siglo sa kahabaan ng Silk Road.

Ang Tugunbulak, na may lawak na humigit-kumulang 300 hectares, ay itinuturing na mahalagang sentro ng industriya ng metal at tirahan ng malaking populasyon.

Samantala, ang mas maliit na Tashbulak ay nagpapakita ng maagang impluwensyang Islamiko, na makikita sa natatanging sementeryo na naglalaman ng ilan sa pinakamatandang libingang Muslim sa rehiyon.


Matatagpuan sa mataas na lugar, ang mga lungsod na natukoy gamit ang remote sensing technology na gumagamit ng laser.

Sa mga paunang paghuhukay sa Tugunbulak, nakitaan ito ng mga aktibidad sa produksyon ng metal.

Ang dalawang lungsod na ito ay nagsisiwalat ng mayamang palitan ng kultura at ekonomiya na pinasigla ng Silk Road.

Facebook Comments