𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗪𝗔𝗜𝗧

Kinumpirma ng tanggapan ng Department of Migrant Workers o DMW na dalawang Pangasinense ang nasawi sa nasunog na gusali sa bansang Kuwait dahil sa Smoke Inhalation.

Samantala, tatlo ang kabuuang bilang mga Pilipinong nasawi sa nasabing sunog, kabilang na ang dalawang taga-Pangasinan, na pawang taga-Umingan at taga-Mangaldan.

Noong ika-12 ng Hunyo, sumiklab bandang alas 4:30 ng umaga ang isang sunog sa tinutuluyan ng mga manggagawa sa isang construction company.

Kaugnay nyan, tinatayang nasa halos limampu ang kumpirmadong nasawi na pawang mga banyaga sa bansa.

Samantala, ayon sa reports, ay sisigurihin nitong mananagot ang mga opisyal ng nasabing kumpanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments