𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗪𝗜𝗞𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘

Dalawang pawikan ang nangitlog sa baybayin ng Baroro, Bacnotan at San Juan, La Union sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Marce sa lalawigan.

Personal na nasaksihan at inalalayan ng isang environmental conservation organization ang mga ito upang maligtas ang mga itlog mula sa hampas ng alon at makabalik sa karagatan ang inahing pawikan.

Ayon sa samahan, kinakailangan na 20 kilometro ang layo ng mga ito sa pawikan at kinakailangang lagyan ng ilaw na pula upang hindi maistorbo ang pangingitlog.

Tiniyak ng mga ito na ligtas nakabalik at nalagyan ng karampatang tag ang inahing pawikan upang makilala sa pagbalik nito sa dalampasigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments