𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗡𝗔

Patuloy pang nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ang tuloy tuloy na pag-uulan bunsod ng Habagat. Dahil dito, dalawang river system na ang naabot ang critical level na kinabibilangan ng Marusay River sa Calasiao at Sinocalan River sa Sta. Barbara.

Tatlong river system naman ang nasa above normal level na kinabibilangan ng Balincaguing River sa Mabini at Agno/Bañaga River sa Bugallon.

Bunsod nito ay nararanasan na ang ilang mga pagbaha sa mga barangay partikular sa mga low-lying areas sa ilang apektadong bayan.

Pinaalalahanan ang mga residente na malapit sa mga nasabing kailugan na mainam ang agarang paglikas sakaling magpatuloy ang pag-uulan at pagtaas pa ng lebel ng tubig ng mga kailugan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments