Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao sa naganap na banggaan ng motor at ambulansiya sa bayan ng San Quintin.
Ang mga biktima ay magka angkas sa motor na nakilalang sina Rolando Obillo at Arjhay Ramirez parehong residente ng nasabing bayan Habang ang ambulansiya naman ay Service Ambulance ng bayan ng Maria Aurora sa lalawigan ng Aurora at minamaneho ng driver nitong si Reycard Mercado.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Poblacion pasado alas diyes ng gabi nang bigla umanong tumawid ang motor ng mga biktima dahilan upang mabangga sila ng ambulansiya na padating ng mga sandaling iyon kung saan ay tumilapon ang mga ito.
Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan hanggang sa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨