𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos ang naganap na aksidente sa bayan ng Tayug.

Kinilala ang mga biktima na sina Alvin Ulit residente ng bayan ng Natividad at Semion Ponseca residente ng bayan ng Tayug.

Naganap ang aksidente pasado alas onse ng gabi sa Barangay Barangobong habang sakay ng kanyang motor si Ulit nang aksidenteng mabangga nito si Ponseca na tumatawid ng mga sandaling iyon.

Bunsod dito ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments