Tuesday, January 20, 2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢

Sugatan ang dalawang katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. San Vicente San Jacinto, Pangasinan.

Kinilala ang mga sugatan na si Jessie Mandapat, 40 anyos, driver ng tricycle, residente ng San Carlos city at Marlon Vallera, 43 anyos, driver ng motorsiklo at residente ng Asingan.

Ayon sa pulisya sangkot ang isang mini pick up sa aksidente na nagmula sa San Fabian at patungong San Jacinto habang ang motorsiklo at tricycle ay galing sa Barangay Poblacion San Jacinto at pupunta sana sa bayan ng San Fabian.

Nabangga ng motorsiklo ang tricycle na naging dahilan nang pagkakabanga din nito sa kasalubong na mini pick up.

Dahil dito, tumaob ang tricycle kung saan nasugatan ang driver maging ang driver ng natumbang motorsiklo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments