𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Sugatan ang dalawa katao matapos umano silang saksakin ng isang lasing na Lalaki sa Dagupan City.

Ang suspek ay nakilalang si M. Vales habang ang mga biktima ay nakilalang sina B. Nevado at J.Mate mga residente ng Bagong Bario sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon nasa harap ng kanilang mga bahay ang mga biktima ng dumating ang suspek na lasing at walang ano-ano ay sinugod ang dalawa at agad na sinaksak.

Nagtamo ng saksak si Nevado sa katawan habang sa kaliwang paa naman si Mate na agad naman naisugod sa pagamutan at nasa mabuti ng kalagayan.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments