𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang dalawang katao matapos tangayin ang mga ito ng malakas na agos sa ilog sa magkahiwalay na insidente sa Tubao, La Union.

Parehong tinangay ng malakas na agos sa ilog ang dalawang biktima noong July 23 habang nananalasa ang Super Typhoon Carina at habagat sa probinsya.

Isa sa mga biktima ay napag alaman umanong sisilipin lamang ang ilog sa likod bahay sa Barangay Urayong.

Ang isa naman ay isang magsasaka na tumawid umano sa ilog at hindi kinaya ang rumaragasang tubig.

Aminado ang Bauang MDRRMO na pahirapan ang ginagawa nilang search and rescue sa mga biktima dahil sa malakas at mabilis na agos ng tubig sa mga kailugan ngunit sinisiguro nila na tuloy tuloy ang kanilang operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments