Patay ang dalawang kalalakihan na lulan ng motorsiklo matapos ma hit-and-run sa Brgy. Camantiles , Urdaneta City Pangasinan.
Ayon sa pulisya, mag aalas kwatro ng umaga ng masaksihan ng isang tricycle driver ang banggaan ng motorsiklo at truck sa kahabaan ng kahabaan ng Ambassador Eduardo Danding Cojuangco Avenue.
Binabagtas umano ng dalawang sasakyan ang magkabilang bahagi ng kalsada nang bigla na lamang magsalpukan. Patay ang driver ng motorsiklo at isang backride nito habang kasalukuyang nasa ospital ang isa pang biktima. Samantala, inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng truck. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments