Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng Katawan ang tinamo ng dalawang katao sa naganap na banggaan ng mga minamaneho nilang motor at tricycle sa bayan ng Bautista.
Naganap ang aksidente sa Barangay Nibaliw Norte pasado alas kwatro ng Hapon.
Ayon sa imbestigasyon magkasunod na binabagtas ng nasabing mga motor na minamaneho ng Isang Rea Makamus at tricycle na minamaneho ng Isang Ryan Tapiador ang kahabaan ng nasabing Barangay nang biglang liliko Sana si Makamus sa Isang gasolinahan subalit nabangga ito sa likod ng kasunod na tricycle.
Bunsod nito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng Katawan ang mga drivers na agad naman naisugod sa pagamutan upang bigyan ng paunang lunas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments