𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝟭.𝟳𝟱𝗕

Umakyat na sa P1.75B ang halaga ng danyos ng umiiral na El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura ng bansa.

Saklaw nito ang nasa higit 32, 000 na ektarya ng mga lupang sakahan kung saan nasa halos 30, 000 na mga magsasaka ang apektado.

Pumalo pa sa P770M ang apektado sa MIMAROPA, P560M naman na pinsala sa Visayas, Cagayan Valley na may naitalang P180M, Central Luzon na may danyos ding P158M, Ilocos na nakapagtala ng P54M, Zamboanga Peninsula na may P13M, CALABARZON may P7M at SOCCSKSARGEN na P2M.

Kaugnay nito ang puspusang pagsasagawa ng aksyon ng gobyerno upang matugunan ang krisis na kinakaharap ng agriculture sector maging ang lahat ng naapektuhang magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments