Umakyat pa sa halos sampung bilyong piso ang pinsalang naiwan ng nagdaang El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture, umabot na sa PhP9.89B ang kabuuang danyos nito sa agrikultura bunsod ng naranasang matinding tagtuyot at kakapusan sa suplay ng tubig.
Naitala naman batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasa 1.2 milyong mga pamilya o katumbas ng mahigit 4.6M na indibidwal ang apektado mula sa 5,654 na barangays sa ILOCOS REGION, Regions 2, 3, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Patuloy naman ang pamamahagi ng mga financial assistance sa mga apektadong pamilya at sa mga magsasaka at mangingisda na lubos na naapektuhan ng nasabing weather phenomenon.
Samantala, matatandaan na July 6, 2023 nang unang ideklara ng PAGASA ang pagpasok ng El Niño sa bansa at nito lamang June 7, 2024 nang opisyal na ipahayag ang pagtatapos nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨