Umakyat pa sa halos anim na bilyong piso ang danyos o pinsala ng El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P5.9B ang naitalang danyos sa nasabing sektor hanggang nito lamang ika-30 ng Abril.
Nasa higit isang daang libong mga magsasaka at na rin sa bansa ang nananatiling apektado ng nararanasang tagtuyot.
Kabilang ang Ilocos Region sa sa mga rehiyon na apektado ng El Niño kasama pa ang Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, SOCCSKSARGEN.
Patuloy na nakaantabay ang DA sa monitoring ng kalagayan ng sektor maging paghahanda at paglulunsad ng mga interbensyon upang makatulong sa pag-ibsan ng mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨