Umakyat na sa higit dalawang daang milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Pangasinan dulot ng Bagyong Carina at Habagat.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office as of July 26, 2024, pumalo sa P21,765,134.45M ang danyos sa sektor ng agrikultura at aquaculture.
Pinakaapektadong pananim ang palay, mais at high value crop production bunsod ng pagkakalubog ng mga ito sa tubig baha. Hindi rin ligtas ang kabuhayan sa livestocks dahil nakapagtala rin ng P2,805,260.00M na pinsala rito.
Naitala naman ang kabuuang P222,500,000.00M na pinsala sa pang-imprastraktura. Samantala, patuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinakailangang tulong para sa mga naapektuhan ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨