Umabot sa halos tatlong milyong piso ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng nagdaang Bagyong Pepito sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Kabuuang P2, 920, 583. 46 ang halaga ng pinsala sa agrikultura, kung saan katumbas nito ang naapektuhang mahigit isang daan metrikong tonelada ng produksyon.
Sa lawak ng taniman, 65.52 ang partially damaged habang 9.88 ang totally damaged.
Kaugnay nito, naitala ang nasa apat na raan at dalawampu’t-anim ang apektadong magsasaka sa lalawigan.
Inaasahan naman ang interbensyon o aksyon mula sa lokal at nasyonal na gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhang magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments