𝗗𝗔𝗥 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗔𝗠

Nagbabala ang Department of Agrarian Reform (DAR) Pangasinan sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng ahensya upang makapang scam.

Ayon sa tanggapan, isang indibidwal ang nagpapanggap na empleyado ng DAR sa probinsiya at nagsasagawa ng massive hiring ngunit naniningil ng P6, 200 na medical fee sa bawat aplikante.

Binigyang diin ng tanggapan na tanging Civil Service Commission at PRC lamang ang makakapagpatunay sa eligibility ng isang indibidwal upang makapagtrabaho sa mga sangay ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, walang mass hiring ang DAR at hindi naniningil ng medical fees sa mga aplikante.

Abiso ng tanggapan, hanapin ang lehitimong social media page ng DAR Pangasinan o sa website ng Civil Service Commission para sa mga bakanteng posisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments